Linggo, Marso 18, 2012

leather shoes

Minsan may mga bagay na hindi natin naaapreciate kasi parang normal lang satin, just like an ordinary thing pero para sa iba its a BIG thing already.
Kagaya na lang ng sapatos. For others it is normal to see someone wearing shoes but don't you realize that there are people who look at shoes just like it is their greatest dream.
Or someone who really wanted a new shoes but can't afford it so nagkakasya na lang sila sa pagsuot ng luma at sira sira.
There's a saying that says "You'll only realize the value of one person when he/she is no longer at your side". Parang shoes hindi mo marerealize na mahalaga ang shoes mo hanggat may ginagamit ka pa but when time comes na walang wala kang magamit dun mo marerealize na sana pala iningatan ko yung shoes ko para hindi agad nasira eh di sana may gagamitin pa ko ngayon.


I realize this when as I enter the gate of our school I saw a Mr. B (a former classmate of mine). He was walking infront of me, enough for me to have a clear view of his polo uniform. Nakita ko ung collar ng shirt nya, may sira, parang ilang taon ng gamit, naisip ko 'Ah baka sa kuya nya pinamana na sa kanya'. Hindi ko alam kong ano't naisipan kong tumingin sa pants nya and it to my surprise pati yung pants nya sira sira talaga, as in yung parang pambahay, malala pa sa pambahay kasi kahit housedress naman hindi sira di ba tapos tiningnan ko na tuloy yung shoes nya, at guest what yung leather shoes nya bukang buka na as in kailangan nyang hilahin lang yung shoes nya hindi dapat iangat para lang huwag magkahiwahiwalay, naawa talaga ko, inisip ko pa ngang regalohan sya ng sapatos eh, pero ndi ko sasabihing galing sakin, ipapabigay ko lang sa iba kasi baka hindi nya tanggapin pag ako mismo ang nagbigay.

Then naisip ko kaya pala favorite sya ng isang terror professor namin, naawa talaga ko sa kanya sobra, kasi mahirap din lang kami kaya naiintindihan ko ang pinagdadaanan nya kaya nga gusto ko syang bigyan ng shoes eh, hindi ko na sya nakikita ngayon, siguro nag stop na.
Sana next time na makita ko sya succesful na sya at branded pa ang shoes na suot suot nya.